Monday, November 15, 2004

ang babaeng naglaslas sa dilim

kung sa mundong ito
ako'y mamatay at ako'y mawawala.....
luluha ba ang inang kagubatan
o iiyak?
kung ako'y iyong itutulak sa mataas na bundok
ako'y mahuhulog na nakapikit
mahuhulog na nararamdaman ang hangin
na sumasabay saking katawan
parang tumutulong luha…
na bigla lang binasag ng lupa
na bigla lang naging kasapi ng buhangin.

sa lahat ng diwata sya pa ang binihag
pinatay at pinatulog sa kahabaan ng mundo ng mga kaluluwa.

ngayon ako’y nag iisa,
sa loob ng isang silid
madilim,
at ang aking kaibigan ay ang munting candelabra
na nakasuko sa itim na kalawakan
aking hawak ay isang panulat....
at nakahiga sa sahig isang papel....
nag-iisa, nakayuko,
nakatago ang mga mata sa mabahong buhok
gumagawa ng sariling kagandahan,
gumagawa ng sariling kwento
na ako ang bida...na ako ang kawawa.

tinatanong sa kisame kung bakit siya nasa taas
at bakit ako’y nasa baba
bakit kaya parati ako sa baba?
bakit parati kaya dumudugo ang mga paa sa pag apak sa kalangitan.

BOG!.........nahulog nanaman ako....
nawawala nanaman sa sariling utak
parang nag iba ang kapaligiran
naging kayumanggi....parang may tumubo na mga bulaklak sa lupa
pero andyan pa rin ako nakahiga sa gitna ng lahat
ang bango...parang tsokolateng bagong luto....
mga ibong itim ay lumilipad sa aking himpapawid
palapit ng palapit....palapit ng palapit....
sa gitna ng kanilang pagtatalik sa aking pagkatao.....bigla ako na pasigaw
bigla nalunod
biglang naglaho
andito pa rin ako
sa madilim na silid
kasama ang candelabra
kasama pa rin ang sarili
dumurogo ang pulso
dumudugo ang puso.